This morning, something happened that i was really disappointed na hindi ko nakita. at kahit na kinuwento lang sa kin ni joan ito, na-touch talaga ako. :))
I was still in bed around 8am and my dad and sissy were downstairs having breakfast. Tapos na actually si papa kumain so he was sitting on the couch while joan was still finishing up.
Itay: Yung dete mo tulog pa? Bakit di mo gisingin?Joan: naka higa pa yun, may hinihintay yatang text.Itay: Text? Anung text? Bakit, may boypren na ba yun?Joan: Ummm... ewan ko! tanong mo sa kanya. pero bakit naman siya mag-aantay ng text nang gantong ka-aga.Itay: *biglang yuko at iling ng ulo* Malalaki na nga talaga kayo.Joan: *laughs* O Pa, baka mamaya sa kasal namin bigla kang humagulgol!Itay: Bakit naman ako hahagulgol? Basta magpundar muna kayo bago kayo magpakasal.
Maybe, this morning, he finally came to the realization that we are no more his little kids - yung mga batang yagit na pinapaliguan niya, sinisipilyuhan ung ngipin, yung pinapasan nya sa likod kapag baha sa eskinita para makapasok kami sa school, yung ginagawan niya ng dalandan juice gabi-gabi dahil parati kaming may ubo't sipon. Maybe, he finally thought that one of these days eh mag-aasawa na rin kami. I know how he must've felt - like setting a little bird free after you've taken care of it for a long time.
Thank you papa dahil all this time, up until now, you never stopped working and providing for us. I am blessed dahil kahit na matatanda na kami, you still support and provide. Natutuwa ako dahil pati ang pagddiet ko ay sinusuportahan mo pati na rin ang pag-ienglish ko. hahahaha... :)) I appreciate lahat ng bagay na ginagawa mo para sa amin lalo na ang pagpapakain mo sa mga alagang hayop natin na alam kong nagbibigay ng lubos na kasiyahan sa yo. hehehehe... :))
At dahil malapit na ang Father's day, don't worry. ninipisan ko lang ang hiwa ng pisngi ng mangga para makapal yung butong kakainin mo. hehehe...:))
I love u Itay! *mwahugs!*
No comments:
Post a Comment